Happy Mother’s Day!
Mama! Hello. :D Sakit namin sa ulo no? Lagi ka nalang naming pinapahirapan, mula nasa tyan hanggang paglabas at kahit ngayon wala kang ibang naranasan samin kundi pahirap. Ma, dki naman sadya yun eh, siguro yung iba oo pero yung iba hindi, sadyang mapaglaro lang kami. Pero alam mo Ma, sa lahat ng yun di naalis sakin na magsisi tuwing matatapos na ang gabi. Alam mo yung bago ka matulog lahat ng bagay na ginawa mo maghapoon bigla nalang babalik sa ala-ala mo saka lang papasok yung reaization na “sana ganito”, “sana ganun”, ‘ay bat ko ginawa yun?”. As a woman you’ve played a lot for a mother, siguro akala mo di ko pansin lahat ng sakripisyo mo, Ma kita ko yun lahat kaya nag sinusubukan kong wag maging pandagdag sa intindihin at alalahanin mo. Si Ate oo alam ko isang malaking sakit as ulo pero kitang-kita ko kung pano mo siya unawain at arugain kahit na para sakin tinginko dun di na tama kasi kung tutuusin wala ka namang ginawang para sa ikakasama niya pero ikaw pa ‘tong lumalapit at nagso-sorry. Nakakayamot lang.
Ma, sa lahat ng ginawa mo para samin, THANK YOU. Ma, sa lahat ng nagawa namin sayo, SORRY. Mahal na mahal ka namin, Mama. Lagi kang mag-iingat ha? Wag ka sanang magkasakit. Wag ka ding mag-alala, pag nagkatrabaho na ‘ko I would give back all the favors, pangako yan ma. I love you so muuch, and Happy Mother’s Day!



